Paggawa ng Crypto Wallet
Ito ay buod ng lesson naming Basics ng Wallet, kasama ang gabay para sa quest. Tingnan ang buong lesson para i-level up ang kaalaman mo at i-claim ang badge mo!
Mga pangunahing punto
Kakailanganin mo ng
crypto walletpara ma-access ang mundo ng mga blockchain!Ang wallet ay parang account sa
blockchain.Ginagamit ang mga wallet para mag-store ng
cryptocurrency, mag-log in sa mga blockchain app, at marami pang iba.Gumagana ang mga wallet na ito sa computer at phone.
Madali lang gumawa ng wallet at aabot lang ng 5 minuto. Ipapakita namin kung paano, sa video sa ibaba!
Ano ang Crypto Wallet?
Ang mga crypto wallet ay mahalagang kagamitan sa web3, na nagbibigay-daan sa iyong gamitin ang cryptocurrency sa computer o phone mo. Ina-access ang mga wallet gamit ang software na tinatawag na wallet app: web browser extension para sa computer mo, o app para sa phone mo.
Mas maganda pa: hindi lang account ang wallet para maghawak ng cryptocurrency, ito ang koneksyon natin sa blockchain. Puwede natin itong gamitin para makipagpalitan ng cryptocurrency sa iba, mag-log in sa mga blockchain application, at kahit mag-collect ng mga digital item tulad ng badge ng Bankless Academy. Habang mas nag-eeksplora tayo, mas dumarami ang magagawa ng wallet natin, at itinuturing pa ito ng iba na simula ng digital identity.
Dalawang pangunahing impormasyon ng account ang kasama sa bawat wallet:
-
Ang
public key, na siyang gumagawa ngaddressng wallet mo. Gumagana ang address parang username mo: ibabahagi mo ito nang pampubliko para makatanggap ng cryptocurrency. -
Ang
private key, na gumaganap bilang password mo. Dapat itong panatilihing pribado palagi, at hindi ito puwedeng baguhin.
Mahalagang protektahan ang private key mo dahil nagbibigay ito ng agarang access sa wallet mo. Huwag mo kailanman ibahagi ang private key mo. Puwede kang matuto pa sa buong lesson.
Ngayon, magse-set up tayo ng unang wallet natin, gamit ang inirerekomenda naming crypto wallet: Zerion!
Hakbang-hakbang na gabay
I-set up ang una mong wallet sa computer mo, gamit ang gabay sa ibaba, o mag-scroll pa para sa gabay ng wallet sa phone.
Wallet sa Computer
Wallet sa Phone
Oras na para sumali sa blockchain multiverse!
Huwag kalimutang i-collect ang handbook entry na ito para madaling ma-refer sa paglalakbay mo, at para suportahan ang Bankless Academy.
Ingat sa iyong paglalakbay, Explorer!
FAQ
Ano ang cryptocurrency?
Ang mga cryptocurrency ay uri ng digital na pera, na pinoprotektahan ng cryptography. Puwede itong gumana nang walang pangangailangan sa mga sentralisadong awtoridad at bangko, na binabawasan ang posibilidad ng pandaraya habang dinaragdagan ang kalayaang pinansyal ng may-ari nito.
Alamin pa ang tungkol sa cryptocurrency sa lesson naming Bitcoin Basics, at tingnan kung paano binabago ng mga digital na currency na ito ang mundo ng pinansya!
Ano ang public key at private key?
Ang public/private key encryption ay nagbibigay-daan sa wallet mo na gawing pampubliko ang ilang impormasyon, tulad ng address kung saan puwedeng magpadala ng cryptocurrency sa iyo ang iba, habang pinananatiling pribado ang access sa cryptocurrency mo. Ang address ng wallet mo, na ginawa mula sa public key, ay parang address ng bahay mo, at ang private key ang nagbubukas ng pintuan.
Puwede mong ibahagi ang address mo sa sinumang pinagkakatiwalaan mong magpadala ng cryptocurrency sa iyo, pero ang private key mo ay para sa iyo lamang, dahil nagbibigay ito ng access sa lahat ng asset sa loob ng wallet. Huwag itong ibahagi kahit kanino, kahit sabihin ng kontak mo na siya ay mula sa Bankless Academy o Zerion.
Alamin pa at makatanggap ng reward sa paggawa ng una mong wallet, sa lesson naming Basics ng Wallet.
Ano ang mangyayari kung mawala ang recovery phrase ko?
Ang recovery phrase mo, na tinatawag ding “secret phrase” o “seed phrase”, ang tanging backup mo kung mawalan ka ng access sa wallet mo sa device mo. Kapag nawala ang recovery phrase mo, mawawala na nang tuluyan ang laman ng wallet mo. Kaya mahalagang itago ito sa ligtas na lugar, hindi lang mula sa pagnanakaw o pagkawala, kundi pati sa sunog o pagkabasa.
Puwede bang maghawak ng Bitcoin ang mga Ethereum wallet?
Kaya ng mga Ethereum wallet na maghawak ng Bitcoin, pero sa “wrapped” na anyo, tulad ng cbBTC token ng Coinbase. Kung gusto mong hawakan ang orihinal na Bitcoin, kailangan mong gumawa ng wallet na tumatakbo sa Bitcoin network, tulad ng Exodus o BlueWallet.
May-akda
Si Tetranome ang Content & Design Lead sa Bankless Academy, nakatutok sa learning journey, user interface at experience, at platform artwork.
Patron
Ang gabay na ito ay pinapatakbo ng Zerion.