You need to enable JavaScript to run this app.
Bankless Academy

Pag-register ng Web3 Username Mo

I-customize ang wallet address mo gamit ang ENS, simulan nang buuin ang digital identity mo.
Simulan ang Lesson

Mga pangunahing punto

  • Gamit ang Ethereum Name Service (ENS), makakagawa ka ng iisang username na kumakatawan sa'yo sa maraming blockchain.

  • Pinapasimple ng mga ENS name ang pagpapadala at pagtanggap ng cryptocurrency sa pamamagitan ng pagpapalit sa mahabang wallet address mo ng madaling matandaang label tulad ng web3explorer.eth

  • Naiuugnay ang mga ENS name mo sa online presence mo: ang cryptocurrency portfolio mo, mga interaksyon mo sa blockchain, social media pages, avatars, websites, at emails, na bumubuo ng iisang onchain identity.

  • Ang pagre-register ng ENS name ay katulad ng pagre-register ng .com website address. Kailangan nito ng cryptocurrency wallet at 10 minuto.

Pagpapakilala sa Universal Username

Isipin mo ang pagkakaroon ng iisang username para sa buong internet. Isang account para sa buong online presence mo: isang account na pagmamay-ari mo at ikinokonekta mo sa ibang apps sa buong internet. Ang username na ito ang magsisilbing digital personality mo, na nagpapahintulot sa'yong makilala sa buong internet, ginagawa kang natatangi at madaling matandaang miyembro ng online community.

Mga proyekto tulad ng Ethereum Name Service (ENS) ang bumubuo sa iisang username reality na ito, gamit ang kapangyarihan ng mga cryptocurrency wallet. Sa paggamit ng ENS, puwedeng ma-transform ang address ng non-custodial wallet mo sa isang personalized na address na pinili mo, na may .eth extension.

0xB00e26E79352882391604E24b371A3F3c8658e8cweb3explorer.eth

Tulad ng .com website address, madaling basahin, madaling matandaan, at personalized sa'yo. Saanman ka sa internet, magiging pareho at makikilala ang pangalan mo. Ang pagpapadala ng cryptocurrency sa wallet mo ay hindi na kailangan pang mag-save, mag-copy, at mag-paste ng mahabang address. May mga katulad na naming system sa ibang network, tulad ng Basenames sa Base, pero ang ENS na .eth name pa rin ang pinakalaganap na standard.

At ito pa lang ang simula.

Sa simula, naisip namin ang ENS bilang naming system para pangalanan ang crypto addresses.. (pero) bilang web3 user, mas malawak pa ang ibig sabihin ng address, puwede itong maging Farcaster id mo, crypto payment address mo, isang DAO contract, at marami pa.

Lumalawak ang use case ng web3, at kung gusto nating masali ang susunod na bilyong tao sa web3, kailangan itong magamit. Kapag naipangalan nang maayos ang lahat ng bagay na ito, magiging usable ang web3, nagiging human ito.

Ginagawang human ng ENS ang web3.

- Jefflau.eth, Core Developer sa ENS Labs

Sa pag-link ng wallet address mo sa isang natatanging .eth username, nakagawa ka na ng web3 personality na may ownership powers ng isang non-custodial wallet. Kayang i-support ng mga ENS name ang mga wallet sa maraming network. Isang universal name na ang nakakonekta sa digital property mo sa iba't ibang blockchain, sa blockchain history mo, at marami pa. Kasama na rito ang anumang special credential na na-unlock mo, tulad ng mga badge mo sa Bankless Academy.

Onchain Identity

Lumalampas sa pag-label ng wallet address ang kakayahan ng ENS; kayang i-label ng ENS ang halos anumang entity o asset sa blockchain, tulad ng isang smart contract, at ituro ang anumang location sa web2 internet. Puwedeng ikonekta lahat ang website, social media profiles, at email mo sa iisang username na ito.

Isipin ang ENS bilang onchain passport mo. May pangalan, litrato, kaarawan, at passport number ang isang physical passport, na nakakonekta sa malawak na impormasyon sa identity database ng gobyerno mo. Ini-map ng ENS ang .eth domain mo (yourname.eth) sa isang Ethereum address, profile picture, onchain data tulad ng trades at governance votes, at offchain data tulad ng website mo.

Narito ang pangunahing pagkakaiba: Ikaw mismo ang nagmamay-ari at kumokontrol sa lahat ng aspeto ng onchain passport na ito.

Kinakatawan ang mga ENS name bilang NFT tokens (ERC-721 tokens) sa Ethereum blockchain, na pagmamay-ari at pinapamahalaan sa pamamagitan ng non-custodial wallet mo, tulad mismo ng cryptocurrency. Sa web3, puwede mong totoong angkinin ang online identity mo at dalhin ito kahit saan ka sa internet. Ang account mo (ang data, content, followers nito, atbp) ay hindi puwedeng burahin ng mga platform na ginagamit mo. Lumalampas na tayo sa kontrol ng YouTube, Instagram, at ibang web2 giants na namamahala sa online community.

Tingnan natin kung paano nakakonekta ang mga ENS name natin sa mga onchain app, simula sa 'Explorer Profile' feature ng Bankless Academy. Bilang Bankless Academy user na may ENS name, awtomatikong makikita ang ENS name at profile picture mo sa profile mo. Ipinapakita ang impormasyong ito kasama ang mga achievement mo sa Academy, tulad ng lesson badges at collected content.

Isa pang halimbawa ay ang Farcaster, isang decentralized social network. Tulad ng maraming web3 app, puwede mong ikonekta ang wallet mo at ipakita ang ENS name at profile picture mo sa halip na magsimula sa zero ang identity mo. Isang onchain identity ang sumasama sa'yo sa pagitan ng mga app.

Fun fact: Simula nang mailunsad noong 2017, milyon-milyong .eth name na ang na-register ng ENS. 🐂

Panahon na para maging onchain citizen at hubugin ang desentralisadong kinabukasan natin. Panahon na para i-register ang ENS name mo. Gagabayan ka namin sa proseso, tutulungan kang ma-unlock ang mga pangunahing feature nito, kasama ang pag-assign ng profile picture mo para makita sa maraming onchain app tulad ng Bankless Academy.

Halos pareho ang proseso sa pagre-register ng .com website address sa platform tulad ng GoDaddy o Namecheap. Kasing-simple lang ng pagpili ng natatanging pangalan at pagsumite ng dalawang blockchain transaction.

Mga Kailangan Bago Magsimula

1. Gumawa ng Crypto Wallet

Para bumili at mag-hold ng ENS name mo, kailangan mong mag-set up ng wallet kung wala ka pa nito. Tingnan ang mabilisang gabay namin, 'Paggawa ng Crypto Wallet', at gumawa ng wallet mo sa 5 minuto.

2. Tiyaking May ETH ka sa Wallet mo sa Ethereum Mainnet

Puwede mong pondohan ang wallet mo sa pagpapadala ng cryptocurrency mula sa isang Centralized Exchange, o sa paggamit ng mga serbisyo tulad ng MoonPay o Transak. Binabayaran sa ETH ang registration fee.

Hakbang-hakbang na gabay

1. Buksan ang ENS Manager App at ikonekta ang wallet mo.

2. Hanapin at piliin ang gusto mong pangalan.

3. Piliin ang tagal ng registration mo.

Kailangan mong pana-panahong i-renew ang ENS name mo. Siguraduhing mag-set ng paalala sa personal na kalendaryo mo bago ito mag-expire.

4. I-review ang mga detalye ng bayad mo.

Binabayaran ang registration fee at gas mula sa balance ng ETH sa wallet mo.

Optional: I-set ang domain mo bilang primary name mo sa hakbang na ito. Ibig sabihin, ipapakita ang ENS name at profile picture mo sa halip na ang mahabang wallet address mo sa Bankless Academy, Farcaster, at ibang ENS-supported platforms.

5. I-review ang susunod na mga hakbang sa registration.

6. Simulan ang 60 segundong timer sa pag-sign ng unang transaksyon.

Pinipigilan ng unang transaksyong ito ang iba sa front-running ng registration process mo.

7. Hintaying matapos ang timer.

8. I-sign ang pangalawang transaksyon.

Ito ang transaksyong magsi-secure sa ownership ng bago mong ENS name, at magpapadala nito sa wallet mo.

9. Tagumpay!

Kakatawanin na ngayon ang ENS name mo bilang ERC-721 token sa wallet mo.

Puwede mong i-verify na nag-re-redirect ang ENS name mo papunta sa wallet address mo sa pagbisita sa https://etherscan.io/ at pag-type ng ENS name mo sa address search bar; tandaang puwedeng tumagal ng ilang minuto ang prosesong ito. Kapag gumagana na ito, handa nang ibahagi ang ENS name mo sa mga kaibigan mo at ikonekta sa mga Ethereum app.

Para sa iba pang paraan para gamitin ang bago mong ENS name, huwag kalimutang tingnan ang seksyong 'Mga madalas itanong' sa ibaba!


Konklusyon

Sa pagre-register ng web3 username mo, niyayakap mo ang self-sovereignty sa desentralisadong web, papalapit sa isang kinabukasan kung saan ikaw lang ang nagmamay-ari ng onchain identity mo. Nagsisilbing web3 username at wallet address mo ang ENS, na nagmamarka sa presensya mo sa digital realm. Maayos itong nag-i-integrate sa mga onchain app, na sumasalamin at bumubuo sa identity mo sa bawat transaksyon.

Ang onchain identity mo, kapag naitatag na, ay nasa ilalim lang ng custody mo, at responsibilidad mong tiyakin ang pag-renew nito. Susi ang adoption ng ENS sa paghubog ng internet na pinapalakas ang user, malaya mula sa pang-aabuso ng awtoridad. Sa ENS, bawat interaksyon sa desentralisadong web ay patunay ng natatangi mong onchain persona.


Panahon na para kontrolin ang onchain identity mo, gamit ang ENS. Sana natuwa ka sa entry na ito sa Explorer's Handbook: 'Pagre-register ng Web3 Username Mo'.

Huwag kalimutang kolektahin ang entry na ito kung gusto mong magkaroon ng sarili mong kopya para madaling ma-reference sa mga paglalakbay mo, o para suportahan ang future content sa Bankless Academy. Ingat sa paglalakbay, Explorer!


Mga madalas itanong

Ano ang Primary Name?

Nagsisilbing palayaw ang primary name mo para sa onchain wallet address mo, na nagpapasimple sa komplikadong Ethereum wallet address mo. Sa pag-assign ng primary name, pinapayagan mong gamitin at ipakita ito ng iba't ibang app, kasama ang profile picture mo. Alamin pa dito!

Puwede ko bang i-link ang email, website, o social media ko sa ENS name ko?

Oo, siyempre! Kung paanong may iba't ibang detalye tungkol sa'yo ang passport mo, puwedeng i-link ng ENS name mo ang iba't ibang personal data. Kasama rito ang email, personal website, profile picture, at social media handles mo.

Pinapayagan ka ng mga standard record na ito na ibahagi nang pampubliko ang contact information mo sa desentralisadong paraan. Naka-store ang mga ito onchain at accessible sa anumang application na kumikilala sa mga ENS name.

Para sa beginner-friendly na gabay sa pag-set ng mga record para sa ENS name mo at kung para saan magagamit ang bawat uri ng record, tingnan ang artikulong ito.

Magkano ang gastos para mag-register ng ENS Name?

Sa ngayon, nakaset ang registration costs para sa mga ENS name sa mga sumusunod na presyo:

  • Mga pangalang may 5 o higit pang character: $5 sa ETH bawat taon.

  • Mga pangalang may 4 na character: $160 sa ETH bawat taon.

  • Mga pangalang may 3 character: $640 sa ETH bawat taon.

Hindi pa kasama rito ang mga gas fee ng transaksyon para makipag-ugnayan sa Ethereum Network, na tinatantya nang halos sa ENS Manager App. Kailangan ng dagdag na gas fee para sa onchain data updates tulad ng pag-set ng mga custom record. Mas mataas ang presyo para sa mas maiikling pangalan dahil sa kakapusan. Pinipigilan ng fees ang speculative registrations at sinusuportahan ang development ng DAO para sa ENS.

Puwede ko bang ikonekta ang maraming wallet address sa iisang ENS name?

Siyempre naman! Puwedeng i-map ng ENS name mo ang maraming wallet address sa iisang ENS name, tulad ng 'yourname.eth', o puwede mong pagbukud-bukurin ang mga address mo sa hiwalay na subnames para tukuyin ang uri ng cryptocurrency na kaugnay ng bawat isa, tulad ng 'ethereum.yourname.eth' o 'bitcoin.yourname.eth'.

Puwede mong i-set up ang alinman sa dalawang option gamit ang ENS Manager App. Para sa karagdagang detalye, tingnan ang gabay na ito para sa hakbang-hakbang na instruksyon

Puwede ko bang gamitin ang kasalukuyang website address ko bilang ENS name ko?

Oo, kung may sarili kang website tulad ng web3explorer.com, puwede mo itong gamitin sa halip na web3explorer.eth. Posible ito dahil sa infrastructure na magkasamang binuo ng ENS at GoDaddy.

Para matuto pa, tingnan ang blog post ng ENS Labs.


Mga May-akda

Marcus ang naglalathala ng ENS DAO Newsletter. Nagsasaliksik siya kung paano puwedeng i-subsidize ng surplus revenue mula sa protocol fees ang development ng application layer at iba pang open source infrastructure.

Tetranome ang Content & Design Lead sa Bankless Academy, na nakatuon sa learning journey, user interface & experience, at platform artwork.

Patron

Ang walkthrough na ito ay pinapatakbo ng Bankless Academy.