Basics ng Ethereum
Basics ng Ethereum
Welcome, Explorer! Isa ito sa mga pinakaimportanteng lesson sa Bankless Academy.
Titingnan natin ang Ethereum: ang susunod na era ng internet, isang platform na nagpapagana ng mga bagong internet app at digital na pera.
Madaling maintindihan ang Ethereum: parang Google o Apple app store ito, pero may mahahalagang pagkakaiba:
- 💸
cryptocurrencyang gamit dito, hindifiatna pera (US dollar, euro, Chinese yuan). - 📡 Layer itong nakadagdag sa internet browser mo, nag-a-unlock ng bagong functionality sa mga website.
- ⚖️ Pinagkakasunduan ng mga user at app builder ang mga patakaran ng store, walang central na korporasyong namamahala.
Para maintindihan kung bakit milyon-milyon ang gumagamit ng Ethereum, tingnan natin ang core mission nito…

Isang Global na Town Square
Sa nakalipas na apatnapung taon, naging town square ng mundo ang internet.
Dito, nagkakakilala ang mga estranghero, nagpapalitan ng ideya, produkto at serbisyo, at sabay-sabay pang nagpapasimula ng mga global na kilusan. Ito ang pinakamakapangyarihang tagpuan ng koneksyon, pagkamalikhain, at inobasyon ng sangkatauhan.
Pero may isa itong malaking problema…
Mga Sentralisadong Serbisyo
Umaasa ang internet sa maliit na grupo ng mga korporasyong hindi palaging inuuna ang kapakanan natin.
Mas malaki na ang kontrol ng mga sentralisadong serbisyo sa internet kaysa dati, at sila ang nagsisilbing mga tagapamagitan sa halos lahat ng ginagawa mo online.
Isipin mo: malalaking bangko ang humahawak ng mga binili mo, Facebook at Instagram ang nag-uugnay ng social interactions mo, at Apple o Google ang kumokontrol sa mga app na pwede sa phone mo. Sa pamamagitan ng kanilang mga patakaran, fees, at corporate na motibo, napakalaki ng impluwensya nila sa mga digital na transaksyon mo.
Mga Isang-panig na Trade
Tinatawag natin silang mga sentralisadong serbisyo dahil nasa iisang lugar ang lahat ng kapangyarihan, parang nasa ilalim ka ng haring alam na alam kung paano kukunin ang gusto niya mula sa iyo. Baka magulat ka sa totoong nangyayari sa mga trade mo…
💸 Sinisingil ka ng mga bangko ng fees at ini-invest ang pera mo para sa sarili nilang kita.
💳 Ibinebenta ng mga payment network, tulad ng Visa at Mastercard, ang purchase data mo sa mga advertiser.
📞 Nakikita ng mga social platform, tulad ng Instagram, ang private mong mga usapan.
🪓 Malayang binubura ng mga content platform, tulad ng YouTube, ang buong career ng creator, walang patas na paglilitis.
Kadalasang nakatago ang kahina-hinalang patakaran at fees na ito sa 'Terms & Conditions', at lumalala pa habang tumatagal. Silipin ang service agreement ng paborito mong serbisyo: https://tosdr.org/ 👀
Pagsusulit ng Kaalaman 1
Totoo o Hindi totoo: Karamihan ng mga online na serbisyo ay naglalagay ng tagapamagitan sa pagitan mo at ng mga taong ka-interact mo.
-
[ ] Totoo
-
[ ] Hindi totoo
Isang Open Internet
😤 Sawa ka na ba sa mga platform na walang respeto sa mga pangangailangan mo?
Ito ang value-extractive na internet na kinasanayan na natin.
Tinatawag silang “walled gardens” dahil sa sobrang higpit ng mga serbisyong ito at sa hirap ng pag-alis, kaya nakakapagod at magastos maghanap ng mas magandang alternatibo. Mas madali na lang tiisin ang mataas na fees, kawalan ng transparency, at mga one-sided na trade.
Kailangan natin ng mas patas at mas maaasahang internet, lampas sa mga tagapamagitan at sa kanilang walled gardens. Kailangan natin ng online na espasyo kung saan nasa user ang kapangyarihan, ayon sa orihinal na disenyo ng internet.
Mga Peer-to-Peer na Trade
Nagsisimula ang solusyon sa pagbabago kung paano konektado ang internet.
Sa mga tradisyonal na serbisyo sa internet, ang impormasyon o pera mula sa isang peer ay dumadaan muna sa checkpoint ng isang tagapamagitan bago makarating sa destinasyon nito. Sa teorya, kahit ano pwedeng gawin ng tagapamagitan bago matapos ang trade.
Peer → Tagapamagitan → Peer
Pero may pangalawang modelo, ang tinatawag na peer-to-peer networking. Pinapalitan nito ang mga serbisyo ng tagapamagitan ng automated at transparent na computer code.
Peer → Automation → Peer
Para itong pagpapalit ng tagapamagitan mo ng self-service kiosk. Nagiging mas predictable ang serbisyo, bumababa ang fees, at bumabalik ang kontrol sa mga user.
Makikita natin na binabago ng peer-to-peer na internet ang lahat.
Pagsusulit ng Kaalaman 2
Paano mapapabuti ng automation ang mga online experience mo?
-
[ ] Sa pagpapalawak ng abot ng mga tagapamagitan.
-
[ ] Sa pagbibigay ng mas maraming kontrol sa mga kalahok.
Ethereum: Ang Open Internet
⚖️ Hindi ba mas maganda ang internet kung pare-pareho ang patakaran para sa lahat?
Isipin mo ang Ethereum bilang digital na lungsod: mula negosyo hanggang pampublikong serbisyo, pinapatakbo ito ng self-service, transparent na sistema na kahit sino pwedeng suriin, walang tagapamagitan.
Naitatala ang mga transaksyon sa isang pampublikong record: ang Ethereum blockchain. Sinusubaybayan at iniimbak nito ang digital na ari-arian ng lungsod, kaya hindi na kailangan ang bangko.
May maliit na bayad ang bawat transaksyon. Karamihan dito ay sinusunog, kaya lalong nagiging limitado ang ether, ang pera ng lungsod, habang dumarami ang aktibidad. May maliit na tip din para sa computer na nagproseso ng transaksyon mo.
Walang kumpanyang nagtatakda ng patakaran: hayagang pinagkakasunduan ito ng builder, researcher, at user. Pinalitan na ng transparent na code ang mga hari.
Ang Desentralisadong Ekonomiya
Para ma-access ang Ethereum, gagamitin mo ang web browser ng computer o mobile device mo. Sa iisang account, maaari kang mag-log in sa buong bagong internet na ito: isang login na tinatawag na crypto wallet. Dahil sa universal na account na ito, mas madaling magpalit ng serbisyo at makatakas sa mga “walled garden”.
Kapag in-enable mo ang Ethereum app layer, maa-access mo ang mga bagong website na tinatawag na mga dApp. Ito ang mga self-service na sistemang nabanggit natin kanina. Nag-aalok ang mga dApp ng mga digital na produkto at serbisyo tulad ng:
- 🤝 pagpapadala o pag-trade ng mga pera, stocks at iba pang digital na produkto, pero may mababang fees at 24/7 na serbisyo.
- 📻 koneksyon sa mga paborito mong creator, pero may maa-unlock kang unique na perks at oportunidad habang sinisiguradong direktang napupunta sa artist ang pera mo.
- 👪 social media, pero kung ayaw mo sa platform, madali mong mailipat ang social circle mo sa bago.
- 🗳️ pag-donate sa mga paborito mong proyekto, pero kahit $1 na donasyon ay may malaking matching bonus, kaya mas malaki ang epekto.
- ⚙️ pagpaparenta ng processing power ng computer mo para sa passive income.
Sa pag-alis ng mga tagapamagitan, bangko, at hiwalay na account para sa bawat serbisyo, naging desentralisado ang ekonomiya ng Ethereum (ito ang “d” sa “dApp”). Patuloy na gumaganda ang mga dApp dahil sa kalidad sila naglalaban, hindi sa malabong business practices at kontrol.
Paggamit ng dApp
Ang paggamit ng dApp ay katulad ng paggamit ng mga regular na app at serbisyo sa internet.
I-simulate natin ang paggamit ng dApp para mag-swap ng crypto online. Sa simulation na ito, magsu-swap tayo ng USDC, isang onchain na US dollar na inisyu ng kumpanyang Circle (ibig sabihin, kaya itong i-freeze ng Circle), papunta sa ETH, ang native na pera ng Ethereum.
- Ikonekta ang
crypto walletmo sa website ng dApp. - Kumpirmahin na pinapayagan mo ang dApp na ito na makipag-interact sa Ethereum wallet mo.
- I-swap ang lahat ng USDC mo sa ETH sa pag-click ng “Maximum”.
- Simulan ang swap.
- Sa wallet mo, suriin ang mga termino ng trade mo, saka mag-sign.
- Ayos! Naproseso na ng Ethereum ang crypto swap mo!
Ganyan kadali ang pagkonekta ng wallet mo sa isang dApp at pag-swap ng crypto. Pwede mo na itong ipadala sa mga kaibigan, gamitin pambili, o subukan ang iba pang dApp para sa financial services.
Pagsusulit ng Kaalaman 3
Sa Ethereum, patuloy na gumaganda ang mga serbisyo dahil…
-
[ ] Mas transparent ang business practices.
-
[ ] Madali kang makakapagpalit ng service provider.
-
[ ] Pareho ng nabanggit sa itaas.
Isang Global na Sistemang Pambangko
⌛ Gusto mo ba ng mas mabilis at mas murang paraan para magpadala ng pera sa ibang bansa?
Sa Ethereum, maaari kang magpadala at mag-imbak ng crypto nang walang tagapamagitan, na may mas mahusay na serbisyo sa mas mababang gastos.
⚡ Gamit ang crypto, maipapadala mo ang pera kahit saan sa mundo sa loob ng ilang segundo. Nasa mga Layer 2 network na ang karamihan ng pang-araw-araw na aktibidad, mas mabilis at mas murang daan sa ibabaw ng Ethereum na umaabot lang ng isang sentimo bawat transfer. Ikumpara sa bangko: 3-4% na fees, 1-5 araw ang tagal.
🔐 Ikaw lang ang may access sa Ethereum account mo, walang tagapamagitang nagpapahiram ng ipon mo o kumokontrol sa pera mo. Nakaimbak ang pondo sa sarili mong crypto wallet, ang wallet ring ginamit mo kanina para kumonekta sa dApp.
Sa Ethereum, ikaw ang sarili mong bangko, at ramdam mo ito!
Pagpapadala ng Payment
Gamitin natin ang isa pang simulation para magpraktis magpadala ng cryptocurrency. Subukang ipadala ang 0.015 ETH mo sa crypto wallet ng Bankless Academy.
- I-unlock ang wallet mo.
- Sa loob ng wallet mo, piliin ang send.
- I-adjust ang halaga sa 0.015 ETH sa pag-click ng “Maximum”.
- Kumpirmahin ang currency at halaga.
- Sa contacts, piliin ang banklessacademy.eth.
- Ayan na! Natapos ang international transfer mo sa loob ng ilang segundo, at walang tagapamagitang nakapigil sa iyo.
Sa mga Ethereum wallet, higit pa sa cryptocurrency ang maaari mong ariin at ipadala. Kasama sa mga naililipat na asset ang anumang digital na ari-arian na maiimbak onchain. Digital art, club membership, ticket sa show, stocks, pagmamay-ari ng website address, at maging mga karapatan sa real-world na ari-arian ay nasa Ethereum na.
Pagsusulit ng Kaalaman 4
Totoo o Hindi totoo: Sa Ethereum, nakaimbak ang pondo mo sa sarili mong crypto wallet, hindi hawak ng tagapamagitan.
-
[ ] Totoo
-
[ ] Hindi totoo
Paano Ito Gumagana
Pagsama-samahin natin ang lahat sa pamamagitan ng mabilis na pagtingin kung paano ito ginagawang posible ng Ethereum.
Bilang isang peer-to-peer network, binubuo ang Ethereum ng libu-libong computer, na tinatawag na mga node, na nakakalat sa buong mundo. Kahit sino pwedeng magpatakbo ng isa. Nila-lock ng ilang operator ang sarili nilang ether (nag-i-stake) para maging mga validator node: pinoproseso ng software nila ang mga transaksyon at dinodoble-check ang resulta ng iba para maiwasan ang pandaraya, kapalit ng ether na reward. Karamihan ng tao ay sumasali gamit ang mga staking service sa halip na magpatakbo ng sariling computer.
Paano Ito Gumagana (Pt. II)
Ang transaksyon na isinumite mo kanina ay naproseso ng mga validator node ng Ethereum network.
- Isinumite ang transaksyon mong ETH sa Ethereum Network.
- Sinuri ng isang
validatorang transaksyon mo para sa mga error. Dinoble-check ng ibang validator ang kanilang resulta. - Idinagdag ang transaksyon mo sa pampublikong ledger ng network, ang
Ethereum blockchain. - Natanggap namin ang inilipat mong ETH sa account namin.
Baka iniisip mo kung bakit hindi na lang tumakas ang mga validator dala ang pondo mo. Ang maikling sagot: ginagawa itong halos imposible ng Ethereum. Matutulungan ka ng susunod mong lesson, ang “Basics ng Blockchain”, na mas maintindihan ito.
Mga Karaniwang Tanong
Paano ginawa ang Ethereum?
Nag-launch ang Ethereum noong 2015, at ang Ethereum Foundation ang nag-coordinate ng maagang development nito, isang papel na ginagampanan pa rin nito hanggang ngayon. Pinagkakasunduan ang mga upgrade sa isang bukas at pampublikong proseso ng mga developer, researcher, at ng mas malawak na komunidad; walang kumpanya o token vote. Sinusuportahan ng pagiging bukas na ito ang founding vision ng network: isang open internet.
Ligtas ba ang Ethereum?
Hindi direktang mananakaw ang digital na ari-arian mo sa Ethereum. Pero maaari kang linlangin ng mga scammer para bigyan sila ng access sa mga asset mo. Ituturo sa iyo ng lesson naming “Seguridad sa Web3” ang basics ng pananatiling ligtas at pag-iwas sa mga simpleng pagkakamaling maaaring ikalugi mo ng pera.
Malawak ba ang paggamit ng Ethereum?
Oo. Noong 2024, inaprubahan ng mga US regulator ang mga spot ETH investment fund (ETF), na nagpapahintulot sa mga tao na mag-invest sa Ethereum sa pamamagitan ng tradisyonal na stock market. May mga negosyo pang gumagawa sa ibabaw nito, tulad ng Sony at Visa.
Ginagamit ba ang Ethereum sa krimen?
Ayon sa industry research ng Chainalysis, tuloy-tuloy na tinataya na wala pang 1% ng cryptocurrency transaction volume ang konektado sa kriminal na aktibidad. Mas mababa ito kaysa sa tinatayang 2-5% ng global GDP na pinaghihinalaang sangkot sa krimen. Dahil sa mataas na transparency ng Ethereum, madali ring masubaybayan at makasuhan ng mga imbestigador ang mga kriminal na kumikilos onchain.
Energy efficient ba ang Ethereum?
Habang lumalaki ang pang-araw-araw na paggamit ng Ethereum, nakita ng komunidad ang lumalaking epekto nito sa kapaligiran. Isang malaking network upgrade, na tinatawag na 'The Merge', ang nagbawas sa konsumo ng enerhiya ng Ethereum ng 99.9%. Pinapakita ng tagumpay na ito na kayang umangkop ng Ethereum sa pangangailangan ng mga user nito!
Paano ako makakapag-invest sa Ethereum?
Para makapag-invest sa Ethereum, kakailanganin mong magkaroon ng ETH, ang native na cryptocurrency ng network. Mabibili ang ETH gamit ang crypto wallet mo; tutulungan ka naming gumawa ng sa iyo sa susunod na lesson. Maaari ka ring bumili ng ETH sa isang centralized exchange tulad ng Coinbase o Binance, pero hindi mo ito magagamit sa Ethereum hangga't hindi mo inililipat sa isang wallet.
Pagsali sa Kilusan
💪 Panahon nang kontrolin mo ang digital na buhay mo.
Sinisira ng Ethereum ang mga pader na itinayo ng mga tagapamagitan sa paligid ng kani-kanilang sulok ng internet, at ginagawang ekonomiya ng value-creation ang dating ekonomiya ng value-extraction. Panahon na para sa makapangyarihan pero patas na mga online na serbisyo, tunay na pagmamay-ari ng mga digital asset mo, matatapang na bagong komunidad, mga makabagong oportunidad sa trabaho, at higit pa.
Handa ka na bang mag-iwan ng marka?
Para simulan ang journey mo, kakailanganin mong gumawa ng crypto wallet mo. Ito ang passport mo sa mundo ng Ethereum. Ise-set up natin ang sa iyo sa susunod mong lesson, ang “Basics ng Wallet”.

Pagsusulit ng Kaalaman 5
Paano mo naiisip gamitin ang Ethereum? (Piliin lahat ng naaangkop)
- [ ] Pag-explore ng mga bagong digital na produkto at serbisyo.
- [ ] Pagpapadala ng pera sa ibang bansa.
- [ ] Pag-invest sa mga Ethereum project.
- [ ] Pagkonekta sa mga artist na mahal ko.
- [ ] Pag-ambag sa mga makapangyarihang community project.
- [ ] Paggawa ng mga makabagong dApp.